Ang Mga Salaysay ng Bautismo ni Jesus sa Isang Tingin

Mateo 3Markos 1Lukas 3
13 Dumating si Jesus sa Ilog Jordan mula sa Galilea upang magpabautismo kay Juan.9 Nang panahong iyon, dumating si Jesus mula sa Nazaret sa Galilea, at siya'y binautismuhan ni Juan sa Ilog Jordan.  
14 Ngunit tumututol si Juan at patuloy na sinabi, "Ako po ang dapat magpabautismo sa inyo! Bakit kayo nagpapabautismo sa akin?" 15 Subalit sumagot si Jesus, "Hayaan mo ito ang mangyari ngayon; sapagkat ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos." Kaya't pumayag din si Juan.  
16 Nang siya'y mabautismuhan, umahon si Jesus sa tubig. 21 Nang mabautismuhan na ni Juan ang mga tao, binautismuhan din niya si Jesus.
Biglang nabuksan ang langit at nakita ni Jesus ang Espiritu ng Diyos na bumababang parang isang kalapati at dumapo sa kanya.10 Pagkaahungpagkaahon ni Jesus sa tubig, nakita niyang bumukas ang kalangitan at bumababa sa kanya ang Espiritu na tulad ng isang kalapati.Habang nananalangin si Jesus, nabuksan ang langit 22 at bumaba sa kanya ang Espiritu Santo sa anyong kalapati.
17 At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, "Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan!" 11 Narinig niya ang isang tinig na mula sa langit at nagsasabing, "Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan." Isang tinig mula sa langit ang narinig nila, "Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan."